Kasado na ang pagsisimula ng Overseas Absentee Voting (OAV) sa April 10 para sa mga pilipinong nasa Israel.
Ito ayon sa Philippine Embassy sa Israel ay matapos na maisagawa ang Final Testing and Sealing ng Vote Counting Machines (VCMs) para sa Pinoy Absentee Voters sa nasabing bansa.
Ang nasabing hakbang ay sinaksihan ng mga kinatawan ng political parties at iba pang observers para na rin matiyak ang kahandaan ng mga mangangasiwa sa eleksyon.
Kasabay nito, tiniyak ng embahada ang mahigpit na pagpapairal ng physical distancing sa pagdaraos ng OAV para iwas COVID-19.