Unti-unti nang nabuksan ang mga ballot box na naglalaman ng boto mula sa overseas absentee voting (OAV).
Kasama sa mga nabuksan kaninang umaga ay ang mula sa Turkey, Beirut, New Delhi, Bangladesh, Islamabad, Cairo, Canbera, Athens at Jakarta.
Kahapon ay nabuksan sa national canvassing centers ang mahigit sa 40 ballot box.
Inaasahan na malaki ang magiging epekto ng nasa higit 400,000 overseas votes sa magiging resulta ng eleksyon partikular sa vice presidential race kung saan dikit ang laban nina Congresswoman Leni Robredo at Senator Bongbong Marcos.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)
Photo Credit: COMELEC