Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na sadyang “edited” ang kumalat na larawan ng balota sa New Zealand, na walang pangalan ni presidential aspirant Leni Robredo.
Ito ang kumpirmasyon ng Office for Overseas Voting matapos matanggap ng isang overseas voter sa New Zealand ang balota.
Ayon sa Comelec, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs at Philipine Embassy sa New Zealand para matukoy ang nagpakalat ng larawan.
Una nang tinawag na fake news ni Comelec Commissioner George Garcia ang isyu dahil iisang template ang kanilang ginagamit.
Noong Abril a-10 nagsimula ang overseas voting na magtatagal sa Mayo a-9.