Hindi pa naaabot ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang Overseas Deployment Cap para ngayong 2022.
Dahil dito, tuluy-tuloy pa rin ang pagde-deploy ng POEA ng mga Pinoy Healthcare Workers (HCWs) abroad.
Sinabi ni POEA Chief Bernard Olalia, nananatiling sapat ang bilang ng mga nurses ngayon sa Pilipinas kahit na mayroong ipinapadala sa ibang bansa.
Tinukoy nito ang katatapos lamang na PRC Examination para sa mga nurses na inaasahang magdaragdag sa bilang ng working force.
Ipinabatid pa ni Olalia na hindi naman awtomatikong aalisin ang Deployment cap oras na ma-lift na ang COVID-19 National Emergency sa bansa.