Inanunsyo ng DOLE o Department of Labor and Employment na hindi na kakailanganin ng Overseas Filipino Workers o OFW na kumuha ng OEC o Overseas Employment Certificate simula sa katapusan ng buwan.
Kasunod ng ilang reklamong tinanggap ng DOLE kaugnay sa mahirap na online processing ng OEC at iba pa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang lahat ng OFW ay bibigyan ng ID o identification card na siyang magiging kapalit ng OEC.
Maaari aniyang kunin ng mga OFW ang naturang ID ng libre sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III