Papalitan ng ID mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang overseas employment certificate (OEC) ng mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang ito sa mga naging kahilingan ng mga Pilipinong manggagawa sa hongkong kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nangako anya ang Pangulo sa mga OFW sa Hong Kong na kakanselahin na ang OEC sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.
Samantala, ibinalita rin ni Bello na bubuksan na sa loob ng taong ito ang OFW bank na ang tanging bibigyan ng serbisyo ay mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DOLE Secretary Bebot Bello
Undocumented OFWs in Middle East
Target ng DOLE na mapauwi na sa Hunyo ang lahat ng Pilipinong illegal na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa tatlong libo (3,000) pa lamang ang nakakauwi sa bansa kasama na ang mahigit sa isandaan (100) na sumabay sa pag-uwi ng Pangulong Rodrigo Duterte nang magtungo ito sa Saudi Arabia.
Sa Hunyo nakatakdang magtapos ang syamnapung (90) araw na amnestiyang ipinagkakaloob ng kaharian ng Saudi Arabia sa mga dayuhang iligal na nagtatrabaho sa kaharian.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DOLE Secretary Bebot Bello