Inaasahang bubuksan na ang OFB o Overseas Filipino Bank sa unang bahagi ng susunod na taon.
Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order Number 44 na nagaapruba para gawing OFW bank 116 na sangay ng Philippine Postal Savings Bank.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello the Third, bukod sa mga sangay ng naturang bangko dito sa bansa ay magkakaroon din ng outlet ang OFB sa Philippine labor offices sa ibang bansa.
Hindi lamang mga OFW ang target ng naturang bangko bagkus ang lahat ng Pilipino na nasa abroad na mayroong malaking ambag sa ekonomiya ng bansa.
Una nang isinulong ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng bangko na tutugon sa pangangailan at magbibigay ng serbisyo para lamang sa mga manggagawang Pilipinong sa ibang bansa.
—-