Nakatakda nang magbukas sa January 20, 2018 ang OFB o Overseas Filipino Bank na papalit sa PPSB o Philippine Postal Savings Bank.
Ipinabatid ito ni Labor Secretary Silvestre Bello the Third matapos ipag utos ng Pangulong Rodrigo Duterte nuong Oktubre ang paglilipat sa Landbank ng PPSB na ginawa na ngayong OFB.
Sinabi ni Bello na inirekomenda niya na isang land based OFW, isang sea based OFW at si POEA Administration Head Hans Leo Cacdac ang magsilbing kinatawan sa board ng OFB.