16 pang overseas Filipino ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) sumampa na sa 13,017 ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID- 19 sa labas ng bansa.
Sa bilang na ito, umakyat naman sa 8,460 ang gumaling kasunod ng paggaling ng 14 pang Pinoy sa ibayong dagat.
Wala namang bagong nasawi kung kaya 934 pa rin ang pumanaw sa nakakahawang sakit.
Samantala, nasa 3,623 pang mga Pinoy abroad ang patuloy na nagpapagaling sa coronavirus. —panulat ni John Jude Alabado
07 January 2021
The DFA received reports on 16 new COVID-19 cases, and 14 new recoveries among Filipinos in Asia and the Pacific and Europe. Meanwhile, no new fatality was recorded. (1/2)@teddyboylocsin pic.twitter.com/xPnHFu2SFd
— DFA Philippines (@DFAPHL) January 7, 2021