16 pang overseas Filipino ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) sumampa na sa 11,692 ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID- 19 sa labas ng bansa.
Sa bilang na ito, umakyat naman sa 845 ang nassawi kasunod ng pagpanaw ng 2 pang Pinoy sa ibayong dagat.
Wala namang bagong gumaling kung kaya 7,497 pa rin ang nakarekober sa nakakahawang sakit.
Samantala, nasa 3,348 pang mga Pinoy abroad ang patuloy na nagpapagaling sa coronavirus. —panulat ni John Jude Alabado