Nadagdagan pa ng 56 ang bilang ng mga nag positibong Pilipino sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang kahapon, June 26 umakyat na sa 8,417 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pilipino mula sa 57 bansa at rehiyon.
Sa naturang bilang 2,800 ang patuloy na ginagamot sa ibat ibang ospital.
Pumapalo na sa 5,081 ang bilang ng mga Pilipinong naka-recover mula sa nasabing sakit at naitala ang dalawamput tatlong bagong nasawi kayat nasa limandaan at tatlumput anim na ang bilang ng mga Pilipino abroad na nasawi dahil sa COVID-19.
Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na Overseas Pinoy sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6, 167 cases sumunod ang Europa – 970 cases, Americas – 685 cases at Asia Pacific Region – 595.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng foreign service posts tututukan ang kondisyon ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang bigyan ng ayuda ang mga pilipino na apektado ng COVID-19 pandemic.