Ibinaba ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa 11,649 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Ito’y makaraang matanggap ng DFA ang ulat mula sa mga bansang Americas, Asia and the Pacific, at Europe na hindi mga Pilipino ang 72 mga napaulat na tinamaan ng virus.
Mababatid na nanatiling nasa 7,545 ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibayong dagat ang nakarekober na sa COVID-19.
Walongdaan apatnaput anim (846) naman ang mga nasawing Pilipino sa ibayong dagat dahil sa virus.