21 pang Pilipino sa ibang bansa ang nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang kahapon Hunyo 12, umakyat na sa 5,490 Pilipino ang mga kumpirmadong nag positibo sa nasabing virus mula sa 51 bansa at rehiyon.
Sa naturang bilang 2,726 ang patuloy na nagpapagamot sa ibat ibang ospital.
Pumapalo naman sa 2,369 ang gumaling na Pinoy mula sa naturang virus na pumatay na sa halos 400 Pinoy abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa Middle East/Africa na nasa mahigit 300 Europa – 871 cases, Americas – 670 at Asia Pacific Region – 551.