Sumampa na sa 11,142 ang bilang ng mga Pilipinong gumaling sa COVID-19 sa ibayong dagat.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito’y bunsod ng 1,020 na bagong recoveries.
Sa kasalukuyan, nasa 5,884 ang aktibong kaso habang pumalo naman sa 1,115 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 47 pang Pinoy sa labas ng bansa.
Pinakarami ang mga naitalang recoveries sa Gitnang Silangan na sinundan ng Asia Pacific, Europa, at Amerika.