Sumampa na sa 9,379 ang bilang ng mga Pilipinong nakarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa labas ng bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagkaroon kasi ng 78 na bagong recoveries nitong weekend.
Sa pinakahuling case bulletin ng DFA, umabot na sa 14,896 ang total confirmed cases sa hanay ng mga kababayan natin sa ibayong dagat kung saan sa nasabing bilang ay 4,499 ang active cases.
Samantala, anim pang Pinoy abroad ang nasawi kaya’t sumirit na sa 1,018 ang death toll doon.