Pumapalo na sa 5,355 ang mga Pilipinong kumpirmadong positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) 2,788 sa nasabing bilang ay patuloy na ginagamot sa ibat ibang ospital samantalang nasa mahigit 2,000 naman ang naka-recover na.
Samantala umakyat naman sa 357 ang bilang ng mga Pinoy abroad na nasawi dahil sa COVID-19.
Nangunguna pa rin ang Middle East/Africa sa pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na pinoy matapos makapagtala ng 3, 346 cases.
Ikalawa ang Europa – 843 cases, Americas – 657 cases at Asia Pacific Region – 518 cases.