10 pang Pilipino ang kumpirmadong positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang nasa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang kahapon, June 25 pumapalo na sa 8,361 ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 na mga Pilipino sa 56 na bansa at rehiyon.
Sa naturang bilang 2,772 ang patuloy pang ginagamot sa mga ospital.
Apat naman ang gumaling na kayat nasa 5,076 na Pinoys abroad ang naka recover na mula sa COVID-19 na kumitil naman sa buhay ng isa pang Pinoy kayat nasa 513 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang virus.
Nananatiling sa Middle East/Africa ang nakapagtala ng pinakamataas na confirmed COVID-19 positive Pinoys na nasa 6, 114 sumunod ang Europa – 970 case, Americas – 685 cases at Asia Pacific Region – 592.
Muli’t muli ay tinitiyak ng DFA na tinututukan ng foreign service posts ang lagay ng mga Pilipino sa ibang bansa at handang magbigay ng ayuda sa mga apektado lalo na ng COVID-19 pandemic.