Naitala sa 13 ang bagong napaulat na nag positibong Pilipino sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Kahapon, Hunyo 8 umakyat na sa 5,405 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pilipino mula sa 49 bansa at rehiyon.
Sa naturang bilang nasa 2,803 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 2,231 Overseas Filipino Workers (OFW)’s pa rin ang naka recover sa nasabing sakit samantalang umakyat sa 371 ang bilang ng mga nasawing pinoy abroad dahil sa COVID-19.
Nananatiling sa bahagi ng Middle East/ Africa nakapagtala ng pinakamaraming confirmed COVID-19 positive na Overseas Pinoy na nasa 3, 368 cases sumunod ang Europa -852 cases, Americas – 662 at Asia Pacific Region – 523.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng foreign service posts tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang magbigay ng ayuda sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic.