Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang 34 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga Filipino na nasa ibang bansa.
Dahil dito, umakyat na 8,467 ang kabuuang bilang ng mga Filipinong nasa ibang bansa na nahawaan ng COVID-19.
Ayon sa DFA, nadagdagan ng 10 ang bilang ng mga Filipinong nasa ibang bansa na gumaling mula sa sakit na mayroon nang kabuuang 5,091 recoveries.
Habang umakyat naman sa 547 ang bilang ng mga Filipinong nasa ibang bansa na nasawi dahil sa COVID-19 matapos makapagtala ng karagdagang 9 na bagong namatay.
Samantala, nananatili naman ang Middle East at Africa sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong Filipino na may COVID-19 na umaabot na sa 6,195.
287 sa mga ito ang nasawi habang 3,787 ang nakarekober.