Nadagdagan ng higit 100 ang bilang mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa labas ng bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagkaroon ng 102 na bagong kaso kaya’t sumampa na sa 19,876 ang total confirmed cases doon.
Umakyat naman sa 12,053 ang bilang ng mga gumaling bunsod ng siyam na bagong recoveries.
Samantala, nananatili sa 1,194 ang death toll dahil walang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat.