Naitala ang 29 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 15,052 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa higit 87 mga bansa.
Sa naturang bilang, 4,506 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Lumobo naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus na nasa 9,513 na matapos na maitala ang 55 mga bagong gumaling sa COVID-19.
Sa kaparehong datos, nasa 1,033 na mga pilipinong nasa ibayong dagat ang nasawi dahil sa virus matapos na maitala ang 12 bagong nasawi rito.