Umakyat na sa 12,828 ang naitalang mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) nasa walo ang nadagdag na bilang sa kaso.
Walo rin ang naitalang nakarekober habang wala namang naitalang nasawi.
Nasa 3,576 naman ang kasalukuyang ginagamot sa abroad habang 8,341 naman ang nakarekober.
Nananatili namang 911 ang bilang ng nasawi dahil sa nakahahawang sakit.