Sumampa na sa 8,301 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa abroad na nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos maitala ang 2, 193 bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa 53 bansa at rehiyon.
Mula sa kabuuang bilang na 2,740 pa ang nagpapagaling samantalang 5,055 ang naka-recover na at nakalabas na ng pagamutan.
Nadagdagan din ng 10 ang bilang ng mga nasawi kayat nasa limandaan at anim ang COVID-19 related deaths sa mga pinoy na nasa ibang bansa.
Ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang mataas na dagdag na kaso at sa bilang ng naka-recover ay resulta ng pagpasok na ng late reports mula sa mga bansa sa Middle East.
Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na Overseas Pinoys sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6, 096 cases sumunod ang Europa – 946 cases, Americas – 685 at Asia Pacific Region – 574
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng foreign service posts ay mahigpit na imo monitor ang lagay ng mga pinoy sa ibang bansa at handang sumaklolo sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic.