Pumapalo na sa 1.3 million ang active registered overseas voters para sa 2016 elections.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Overseas Voting Secretariat, karamihan sa mga botante ay mula sa Middle East at Africa na may 550,000 aktibong registered voters, 250,000 sa America, 150,000 sa Europe at 320,000 sa Asia at Pacific.
Tinatayang nasa 30,000 seafarers naman ang nagpa-rehistro.
Patuloy naman ang paalala ng DFA sa iba pang OFW na nasa ibang lugar na kaagad magparehistro na bago pa man mag-October 31.
By Judith Larino