Isinapubliko na ang mga overseas trip ni Tourism Secretary Wanda Teo, matapos ang inilabas na guidelines ng Malakanyang hinggil sa pagbiyahe ng mga government worker sa Executive Department.
Nagsimulang bumiyahe ang kalihim noong taong 2016 at pinaka-huli nitong 2017 sa Dubai, Italy, U.K., Russia, Japan, US at Canada upang dumalo sa mga international travel fair at magsagawa ng inventory ng mga D.O.T. foreign office.
Nakasama rin ni Teo sa Dubai ang mga utility worker na sina Allan Alcid ng Office of the Secretary, Lia Insigne ng General Services Department ng Records Section at Clerk Butch Berrei ng Secretary’s Office.
Kabilang naman sa domestic travel ni Teo at international trips ang kanyang make-up artist na sina Angelito Ucol at assistant na si Marinela Miranda.
Posted by: Robert Eugenio