Pinalawig pa ng dalawang buwan ng Commission on Elections (Comelec) ang suspensiyon ng overseas voter registration nito.
Ayon kay ommissioner Rowena Guanzon, in-charge sa Office for Overseas Voting, ang desisyon aniya na suspendihin ang naturang registration ng hanggang Hunyo 30 ay dahil sa pinalawig din ang enhanced community quarantine (ECQ).
Kasunod nito, iginiit naman ni Comelec executive director Bartolome Sinocruz Jr., inaprubahan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang desisyon na i-extend ang pagsusupinde sa pagpaparehistro ng mga botante sa ibang bansa.