Muling hinimok ng Commission on Elections o COMELEC ang mga botanteng nasa ibayong dagat na maghain ng reklamo sa kanila.
Kaugnay ito sa mga naglalabasang ulat na hindi umano nagtutugma ang resulta ng boto sa balota at sa mga iniimprentang resibo sa mga presinto.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni COMELEC Chairman Andy Bautista, mas mainam kung pormal na ihahain ang reklamo sa kanilang tanggapan sa halip na iparaan sa social media lamang.
Ngunit aminado si Bautista na ang mga resibo pa rin ang kanilang hinaharap na problema bagama’t sinisikap na nila itong solusyunan.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andy Bautista
Pagtitiyak pa ni Bautista, tuloy ang eleksyon at wala aniyang makahahadlang dito.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andy Bautista
By Jaymark Dagala | Karambola