Bumaba ng mahigit sa 90 porsyento ang bilang ng mga kandidato noong 2016 elections na gumastos ng sobra sa naaaayon sa batas.
Sa report ng PCIJ o Philippine Center for Investigative Journalism, lumalabas na 54 na kandidato lamang ang lumabis ang gastos noong 2016 elections kumpara sa 936 noong 2013 elections.
Nagmula sa 13 rehiyon ng bansa ang mga natukoy na “overspenders” subalit 40 porsyento nito ang nagmula sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Wala namang natukoy na national o local candidate na nagmula sa Metro Manila.
Matatandaan na noong 2013 ay tinanggal ng Commission on Elections o COMELEC bilang gobernador ng Laguna si Emilio Ramon Ejercito III dahil sa sobra-sobrang ginastos nito sa kampanya.
By Len Aguirre