Oversupply ng langis ang itinuturong dahilan kaya’t muling nagpatupad ng rollback sa kanilang mga produkto ang mga kumpaniya ng langis
Ayon sa Department Of Energy, maliban sa sobrang suplay, mababa rin ang demand ng langis sa Amerika at China na siyang dahilan kaya’t bumaba ang presyo nito
Kasunod nito, sinabi ni Energy Spokesman Felix Fuentebella na may problema rin sa pagbibiyahe ng mga produktong petrolyo na siyang nagreresulta sa mga kumpaniya ng langis na mag-imbak ng mas maraming suplay
Ngayong araw, inilarga ng mga kumpaniya ng langis ang 90 na rollback sa kada litro ng diesel at kerosene habang 75 sentimos naman ang tapyas presyo sa kada litro ng gasolina
By: Jaymark Dagala