Patuloy pa ang pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan na posibleng magresulta sa pagkakaroon ng oversupply nito.
Sa New York Trade, bumaba ng 1.85 dollars ang benchmark para sa West Texas Intermediate Contract para sa March delivery dahilan para bumaba ang presyo ng langis sa 30.34 dollars kada bariles.
Umaabot naman sa 1.68 dollars naman ang ibinaba ng Brent North Sea Crude para sa March delivery na nagkakahalaga ngayon ng 30.50 dollars kada bariles na mas mababa kumpara sa presyo nito noong isang linggo.
Ayon sa mga analyst, pansamantala lamang ang bahagyang pagtaas ng presyo ng langis noong Huwebes at Biyernes noong isang linggo dahil sa tumaas na demand bunsod ng nangyayaring snow storm sa Amerika.
By Jaymark Dagala