Posibleng magkaroon ng oversupply sa manok.
Ito ang ibinabala ng United Broilers Raisers Association chairman Gregorio San Diego Jr., dahil umano sa malakihang volume ng mga imported na manok na paparating sa bansa.
Aniya, bagsak na rin ang farm gate prices nila sa ngayon.
Dagdag pa ni San Diego, naglalaro sa 150 pesos hanggang 200 pesos ang kada kilo ng dress chicken samantalang ang farm gate nila ay nasa 106 pesos hanggang 110 pesos lamang.
Samantala, nakikipagpulong na ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para talakayin ang isyu ng pag-i-import at smuggling ng naturang produkto.