Handa ang Office of the Vice President na tumulong sa search and rescue operations para sa mga posibleng survivors sa bumagsak na C-130 aircraft ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu nitong linggo.
Sinabi ni Vice President Leni Robredo na tiwala siya sa Armed Forces of the Philippines at iba pang mga ahensya na nagsasagawa ng sar operation.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Robredo sa pamilya ng mga nasawing military personnel.
Nanawagan rin ang bise presidente na ipagdasal ang lahat ng mga pasahero at kanilang mga pamilya, at maging ang kaligtasan ng mga hindi pa natatagpuan. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico