Ilulunsad ng Office of the Vice President (OVP) ang “Kalusugan food trucks”.
Ito’y upang maghatid ng serbisyo sa mga eskuwelahan na may problema sa gutom at malnutrisyon sa buong bansa.
Sinabi ni Local Affairs and Special Programs Division Chief Norman Baloro, ipatutupad ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Education at Department of Health sa pamamagitan ng National Nutrition Council.
Nakatakdang ipakalat ang food trucks sa mga paaralan sa Luzon, Visayas at Mindanao kung saan susundin ang 120 araw na feeding program menu.
Aniya, 9 na paaralan ang target sa loob ng isang taon.
Bukod dito, magsisilbing augmentation resource ang food trucks tuwing may kalamidad at magiging bahagi ng disaster operations upang maghatid ng pagkain sa mga biktima.