Naglunsad ng job portal ang Office of Vice President (OVP) na tinawag na “Bayanihanapbuhay” upang matulungan ang mga naghahanap ng trabaho ngayong COVID-19 pandemic.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, para ma-avail ang serbisyo ay maaaring bumisita sa sikap.ph kung saan target nito ang mga nawalan ng hanap-buhay o na-lay off na manggagawa, kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na napilitang lisanin ang kanilang trabaho sa labas ng bansa dahil sa pandemya.
Nasa 2,796 na ang job openings na naka-post sa nabanggit na website mula sa iba’t ibang kompanya sa bansa.