Pinaplano ng Office of the Vice-President (OVP) na magbukas ng karagdagang satellite offices sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
Ayon kay Reynold Munsayac, tagapagsalita ng OVP, layunin ng hakbang na mas maging accessible ang serbisyo at programa ng pangalawang pangulo sa mga mamamayan.
Maliban sa karagdagang opisina, plano rin ng OVP ang pagpapalawak ng kanilang livelihood program.
Una nang nagbukas ng satellite offices ang OVP sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao at Tandag sa Surigao Del Sur.
Inilipat na rin ang headquarters ng pangalawang pangulo sa Mandaluyong City.