Maglulunsad ang Office of the Vice President (OVP) ng libreng ferry service para sa mga health workers at iba pang frontliners sa Cebu City simula ngayong araw.
Maghahatid ang naturang ferry ng mga pasahero simula Olongapo Island hanggang Lapu-Lapu City –vice versa.
May dalawang byahe ito sa umaga at dalawa rin sa hapon.
Nagpasalamat naman si Vice President Leni Robredo sa lahat ng naging katuwang para maisakatuparan ang naturang proyekto.