Naghahanap na ng magiging permanenteng opisina ang Office of the Vice President (OVP).
Kasunod ito ng inihain na resolusyon sa mababang kapulungan ng kongreso na mabigyan ng permanenteng lugar ang tanggapan.
Sinabi ni Atty. Reynold Munsayac, Tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte-Carpio, naghahanap na sila ng maaaring lokasyon ng pagtatayuan ng OVP.
Ngunit hindi umano ito kasama sa budget ng OVP sa 2023 dahil ikokonsidera pa nila ang magiging lokasyon at istruktura bago sila humingi ng pondo sa kongreso.
Aniya, mas malaki ang matitipid ng pamahalaan kung may sariling opisina ang OVP at maaari pa itong magamit sa ibang proyekto ng bansa.