Namahagi ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga residenteng apektado ng malakas na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA) sa lalawigan ng palawan.
Mahigit 500 sako ng bigas ang ipinagkaloob ng OVP – Disaster Operations Center sa halos 3,000 residenteng nananatili sa mga evacuation center.
Kabilang sa mga inayudahan ang bayan ng Brooke’s Point, kung saan halos 23,000 kilo ng bigas ang ipinamahagi at bayan ng Sofronio Española, kung saan nasa 4,000 kilo ang ipinadala.
Katuwang naman ng OVP sa pagsaklolo ang Palawan Provincial Government, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Philippine Coast Guard (PCG) Palawan Sub-station.
Batay sa datos ng PDRRMO, nasa 2,700 pamilya mula sa Brooke’s Point at Sofronio Española ang naapektuhan ng pagbaha. – sa panulat ni Hannah Oledan