Naglunsad ng livelihood program ang OVP o Office of The Vice – President para sa mga pamilyang apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Ayon sa kay OVP Spokesperson Gerogina Hernandez, layunin ng kanilang tanggapan na maturuan partikular ang mga kababaihan para magkaroon ng pagkakakitaan.
Kabilang sa mga nabigyan ng ayuda ay ang mga weaver mula sa Dayawan Village na inilikas din dahil sa giyera.
Makakatanggap ang mga ito ng makina, tela at iba pa upang muling masimulan ang kanilang hanap- buhay.
Nakatanggap naman ng water filtration device ang mga evacuees sa Saguiran evacuation center sa Lanao del Sur.
By Rianne Briones