Nagsagawa ng relief operations ang Office of the Vice President (OVP) sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding sa San Miguel, Bulacan.
Pinangunahan ito ng OVP Disaster Operations Center katuwang ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection kung saan naghatid sila ng food packs, mga gamot, canned goods, at iba pang supplies sa mga apektadong residente.
Sinabi ni OVP-Disaster Operations Center Head Eymard Eje, ang pagbibigay ng relief goods ay para makatulong sa pagrekober ng mga residente na naapektuhan ng bagyo.
Nagpasalamat naman ang San Miguel, Bulacan LGU sa tulong at patuloy na suporta ng OVP matapos manalasa ang Bagyong Karding na tumama sa Bulacan at iba pang lugar sa Northern Luzon.
Samantala, kasama rin si San Miguel, Bulacan Mayor Roderick Tiongson sa naturang relief operation.