Aabot sa 100 sako ng bigas ang ipinamahagi ng Office of the Vice President Disaster Operation Center (OVP-DOC) sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Laguna.
Katuwang ng OVP sa paghatid ng tulong ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF).
Batay sa datos ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), nasa 1,211 na indibidwal ang lumikas sa anim na evacuation centers dahil sa Bagyong Paeng.
Nagpasalamat naman ang pamahalaang lokal ng lalawigan at nangako na kanilang sisiguraduhin na makakarating sa mga apektadong pamilya ang bawat butil ng bigas na ipinagkaloob ng OVP.