Namahagi ng mahigit 1,400 facemask si Vice President Leni Robredo sa mga lugar na labis na apektado ng COVID-19 pandemic.
Nagmula ito sa iba’t-ibang grupo ng mga mananahi bilang tulong sa mga kapuspalad na kababayan upang mailayo sa peligro ng virus.
Kabilang sa mga nakatanggap ng facemask mula sa Office of the Vice President (OVP) ay ang mga frontliner, locally stranded individuals (LSI’s) mga palaboy sa Metro Manila.
Maliban sa facemask, sinabi rin ni Robredo na namigay din sila ng pagkain at inumin sa mga ito na bahagi ng kanilang #maskampante project ng Team Pilipinas na layong makapamahagi ng 100,000 reusable facemask sa mga Pilipino.