Inihayag ng Office of the Vice President o OVP na patuloy ang pamamahagi nito ng ayuda para sa mga apektado ng bagyong Paeng sa ilang lugar sa Laguna.
Sa pamamagitan ng OVP-Disaster Operations Center o DOC, namigay ang tanggapan ni VP Sara Duterte-Carpio ng food packs sa mga residente ng Pagsanjan at Cabuyao.
Samantala, nabiyayaan din ng tulong mula sa OVP maging ang mga mamamayan ng Bacoor City sa Cavite, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Cotabato City, Hilongos at Bato sa Southern Leyte, Zamboanga City, Antique at Cagayan.