Inalmahan ng Office of the Vice President ang pahayag ng ACT Teachers Party-List sa ulat na hindi dumaan sa tamang proseso ang pagbili nito ng mga gamit para sa mga binuksang Satellite Office.
Nanindigan ang OVP na walang iregularidad sa procurement ng Satellite Office Equipment na nagkakahalaga ng mahigit 668,000 pesos na validated at pasado mismo sa Commission On Audit.
Sapat na anila ang findings at rekomendasyon ng COA upang pasinungalingan ang ispekulasyon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.
Una nang inihayag ni Congresswoman Castro ang pagkabahala nito sa umano’y minadaling procurement process.