Nagsanib pwersa ang OWWA at Department of Trade and Industry upang tulungan ang mga uuwing Overseas Filipino Workers na makapagnegosyo rito sa bansa.
Nakasaad sa nilagdaang memorandum of understanding ng OWWA at DTI na magsasagawa ang dalawang ahensya ng developmental training para sa mga OFW na tinatawag na enhanced entrepreneurial development training o EEDT.
Ang EEDT ay isang business development intervention ng OWWA para sa mga OFW na nais pumasok sa micro at medium enterprises.
Kasama rito ang pagpaplano sa pagnenegosyo at ang skills orientation para maturuan ang mga OFW kung anong negosyo ang nais nilang pasukin.
Ang partnership na ito ay alinsunod sa 8-point labor and employment agenda ng DOLE.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 25) Allan Francisco