Inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na handa ang ahensya na tulungan ang mga Pilipinong manggagawa sa United Arab Emirates (UAE) na naapektuhan ng ipinatupad na travel ban ng Pilipinas.
Ayon kay Cacdac, nakatanggap siya ng mga ulat na nag-expire na ang visa ng ilang mga Pinoy sa UAE at kumaharap sa mga penalties dahil sa hindi makauwi ang mga ito sa Pilipinas.
Dagdag ni Cacdac, kakausapin nito ang gobyerno ng UAE upang hindi lumala ang sitwasyon at ang penalty na ipapataw sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) doon.
Matatandaang, hanggang Mayo 31 iiral ang pagpapatupad ng travel ban ng Pilipinas sa mga bansa kabilang na ang India, Bangladesh, Oman, Nepal, Pakistan, Sri Lanka bilang pag-iingat sab anta ng India COVID-19 variant.