Hihiling muli ng karagdagang pondo ang Overseas Workers Welfare Association o OWWA para sa kanilang repatriation program sa mga Pilipinong manggagawa na stranded sa ibang bansa.
Ito ay ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, tatagal lamang ng hanggang Setyembre ang kanilang kasalukuyang pondo, at kinakailangan pa ng dagdag pondo inaasahang maraming Pilipinong mangagagawa ang uuwi ng bansa.
Aniya, bukod sa P5.2 bilyong na karagdagang pondo na ipinagkaloob ng Department of Budget and Management (DBM) sa OWWA nuong nakaraang buwan, kasunod na rin ng apela ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ayon kay Cacdac, nasa mahigit 600,000 Overseas Filipino Workers na stranded sa ibang bansa ang na-repatriate mula nuong Mayo 2020.
Kabilang sa sinasagot ng OWWA ay ang swab testing, flight tickets at quarantines ng mga Pilipinong mangagagawa.