Humihirit ng karagdagang pondo sa kongreso ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon OWWA Administrator Hans Cacdac, nangangailangan sila ng P2.5-bilyon para sa accommodation at ayuda sa tinatayang 45,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbalik bansa at nawalan ng trabaho.
Nilinaw ni Cacdac na hindi sila nagkukulang ng pondo, subalit nais lamang nilang magkaroon ng ayuda dahil kailangan din nilang tulungan ang mga OFWs habang hindi pa nakakabalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.