Humingi na ng paumanhin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa post sa kanilang official Facebook page hinggil sa buhay pag-ibig ni Administrator Arnell Ignacio.
Aminado ang OWWA Na nagkamali ito nang i-post sa kanilang official Facebook page ang pa-“Survey” hinggil sa lovelife ni Ignacio kahit wala itong kinalaman sa kanilang mandato.
Bagaman burado na ang nasabing post, na-screenshot ito at ipinaskil online nang maraming netizen.
Naglabas naman ng samu’t saring reaksyon ang publiko at kinuwestyon ang OWWA pero wala pang pahayag si Ignacio kaugnay sa insidente.
Magugunitang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang komedyante bilang Executive Director Admininistrator 5 ng OWWA noong Agosto 2022.