Hinikayat ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Board of Trustee Celerino “Chie” Umandap, ang mga Overseas Filipino Workers na bumuo ng grupo na mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Umandap, naglaan ang kanilang ahensya ng P200M para sa isang taon na magagamit ng mga OFWs.
Bukod pa ito sa P500M cash aid grant financial assistance para sa Distressed OFWs.
Sinabi ni Umandap na sakaling makabuo ng 5 hanggang 10 miyembro ang isang grupo ay maaari silang makatatanggap ng P150,000 grant mula sa OWWA at P250,000 grant naman para sa 11 hanggang 25 miyembro.
Habang ang mga miyembrong nasa 16 hanggang 30 ay makakatanggap naman ng kalahating milyong piso.
Samantala, nilinaw ni Umandap na dapat umanong magparehistro ang grupo o asosasyon sa government institutions kagaya ng Department of Labor and Employment (DOLE), Security and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI) o sa Cooperative Commission. —sa panulat ni Angelica Doctolero